Liquid Gold na thick, creamy at super sarap! Mahalia, pero sobrang worth it! Iniisip ko lagi, mas magastos bumili ng gamot at hospital bills kaya pagdating sa mga superfood, G lang ng G!
Mahalia, dahil mahirap iharvest at matatagpuan lang sa mala-isolated na lugar sa New Zealand kung saan doon lang may tumutubong Manuka flowers. May nabasa pa ko na effort daw ang mga bubuyog dahil lilipad pa sila ng around 6km para lang puntahan ang Manuka flowers na 12 days lang namumulaklak.
Matagal na akong super fan ng raw honey, pero itong Manuka, ibang level talaga ang powers. Ilang beses na ko nito sinave against flu. Sobrang bilis makagaling lalo na sa sorethroat at digestive problems. Pati sa pimples effective! Sobrang potent ng nutrients at enzymes nito dahil sa environment kung san sya tumutubo - Pristine na lugar, matabang lupa, pure na hangin, malayo sa pollution at bad vibes kaya kuhang kuha mo lahat lahat ng goodness ni mother earth!
San ko nabibili: sa @manukahealthph
Magkano: As low as P1500 depende sa taas ng MGO (the higher MGO, mas malakas)
Dosage: 1 tsp lang every morning pagkagising at another teaspoon bago matulog. 😉
#masarapba
#masarap
All Rights Reserved | Masarap Ba?™