By Kat Abaan Jr
•
09 Sep, 2020
Halur!! Dito ko na lang isusulat instead sa IG Stories para mas ma-explain ko nang maayos. Sa true lang, nakakainis makita na special treatment si PLDT sa mga celebritries no? Pero kapag sa’tin, dedmakels sila (PLDT ang connection namin sa kabilang house so I relate)! Hmmmp! Di bale, ituturo ko s’yo diskarte ko. Bago ang lahat lahat, disclaimer muna: Just to make it clear, HINDI AKO SPONSORED ng SMART and how I wish nga na maging official endorser din ako ni HUAWEI dito sa Masarap Ba, kaso hindi eh . Hindi yata ako pasado huhuhu =( Anyway, love ko pa rin naman sila at happy ako sa quality lalo na ng cameras kaya full support pa rin all the way. And I’m writing this para sa inyo talaga, dahil alam kong makakatulong sa’yong internet connection problems ngayon. So ayun, relate ako sa current internet problems natin dahil syempre, lahat ng mga business kinailangan na magdigital, work from home na karamihan satin at home-schooling na ang mga students. Syempre, since mahal ang internet subscription, usually nasa below 50Mbps ang afford natin. In my case, I pay P3,000 monthly kay SKY Fiber pero ngayon, since ang dami kong kashare sa bandwidth dito sa area namin sa QC, ang bagal talaga! Huhuhu Anyways early this year, my best friend Gina told me na magstart na daw ang 5G this year, kaya she adviced me to invest in a 5G ready phone para future proof na. So if you noticed, nagswitch na ako sa Huawei P40 Pro 5G last March kahit wala pa akong 5G sim para lang ready. Then around June, may nagbalita sakin na may 5G na daw sa Gateway Cubao, kaya bumili ako agad ng 5G sim. I was able to buy a SMART 5G sim at P150 lang sa Gateway, Cubao (cellphone store malapit sa iStudio yata yon or Datablitz) then ayun, sobrang saya! Here’s a quick speed comparison using my various connections. Ako mismo ang nagtest nito…